Naha conquered
Yup. December 04, 2005, I run my first marathon. Letse ka Santos di mo sinabi sa akin na kailangan pala ng wheelchair pagkatpos ng takbo! Sakit ng hita, binti at paa ko men! Lahat ng nakatapos ng takbo eh iika-ikang naglakad papunta sa mga kotse nila.
Nang umalis ako sa bahay eh naulan hanggang sa pagpila ko sa bus na magdadala sa amin sa starting point. Tumila naman sa start ng takbo. Daming tao, siguro mas marami pa sa 100,000 ang dumalo. Nakakatuwa nga kasi meron pang naka-costume tulad ng Super Saiyan, human golf ball, tiger, lalaking playboy bunny, santa claus at si Rob Halford na nakasuot ng leather dominatrix. Buti nga at di ko itinuloy ang plano kong magsuot ng bahag ng pang-igorot kasi medyo may kalamigan din ang buong araw. Sa susunod na lang siguro baka sa San Diego o sa LA.
Sa aking pananaw eh na-meet ko ang aking goal kahit na inabot ako ng 6 hours and 8 mins. Tinakbo ko ang first part pero nilakad ko na ang kalahati kasi nakakaramdam ako ng pamumulikat sa kaliwa kong hita, kaya ng gumamit ako ng CR makalampas ng half-way mark eh di na ako makatakbo. Kahit mabagal na jog eh talagang masakit na ang aking kanang tuhod. Buti nga natapos ko pa at nagqualify na finisher granted na 3 wks ago eh nagkasakit ako at natigil ang aking training. Special thanks sa aking mapagmahal na asawa at pinahiran ako ng Bengay kagabi. Next time na tatakbo ako ng marathon eh sisiguraduhin kong mami-meet ko ang 4 hrs and 30 mins na goal ko, he he! Til next…