Kinser Half-Marathon

Dang! Bilis ng araw. Bukas na yung Kinser half-marathon. Bad trip lang kasi sakit ng katawan ko gawa ng hump namin kahapon, yeh, BS nga kung kelan pa merong takbo saka pa umeksena na naman ang Bn. Oks lang mabagal naman ang pace kaya enjoy lang ako. Makuha ko lang yung t-shirt after the race, siyempre ke Mama Jack na naman yun mapupunta he he! Sarap nga ng buhay n’on, ako ang nagpapakahirap na tumakbo, siya naman ang tumatanggap ng panalo. Mabuti na lang yun para mai-share ko man lang sa kanya ang "joys of running."

First time nilang sumama sa akin last Sep 25 noong first Duathlon ko sa Kadena Air Force base. Ang sarap nga ng feeling pagkatapos, maikli lang ang course, 5K run then 25K bike then 5K run ulit. Na-addict nga ako, ok’s lang sa Sn Diego siguradong marami doon. Masaya yung event na yun kasi kasama ko ang mag-ina ko. Sayang di ko sila makakasama palagi sa aking mga sinasalihan na takbo kasi maaga nga masyado. Oh well.

Tinakbo na daw ni Santos ito last year, boring daw. Sa akin lang eh kailangan ko lang ito para preparasyon para sa Naha! Yeh!

Leave a Reply