Archive for September, 2005

Journey to Naha

Sunday, September 4th, 2005

September na at lalong lumalapit na ang pinakahihintay na araw sa Dec, ang Naha Marathon. Last Saturday eh naabot ko na ang pinakamalayo kong distansya sa pag-eensayo sa ngayon, di ko inaakala na makakaabot ako ng 14 miles sa pagtakbo. Ang sarap naman ng panahon kasi it was 24 hrs bago tamaan ng isla ng bagyo na ineexpect na merong lakas ng 170 mph winds, sa gitna ng takbo nga eh biglang bumuhos ang ulan kaya preskong-presko. Sa una lang talaga mahirap tumakbo, yung bang gigising ng maaga o di kaya’y pilitin ang sariling magbihis at lumabas at tumakbo vs. stay ka lang sa bahay na merong a/c at manood ng TV. Yung running buddy ko nag-quit na nga sa akin. Nakakadismaya nga na solo na akong tatakbo sa Dec. Nung sinabi nya sa akin yun parang gusto ko na ring umayaw pero motivation ko na lang yung naka-register na ako para nga sa marathon at yung personal accomplishment na maka-takbo ng isang marathon dito sa Okinawa. Kasi kung di ko gagawin ito habang buhay kong pagsisihan ang pag-quit sa commitment na ito. Sabi nga ng isang cool-cool na Gunnery Sergeant sa Battalion, "Quitters never lead and Leaders never quit," well I need to set an example for my junior personnel right?

Isa pa nito eh habang nag-eensayo ako sa marathon eh nakita ko ng merong dalawang half-marathon before Dec, isa yung Shousashi half-marathon sa Naha sa Nov at yung Kinser Half-marathon sa Oct. Parang mas masaya yung Shousashi, wag lang sana akong madeploy sa mga panahong ito. Kung hindi sa San Diego na lang ako babawi, he he!!! Pero bago ako managinip ng mga marathon sa San Diego eh tatapusin ko muna itong Naha. Ayuuus!