Naha Marathon
Katatapos ko lang bilangin ang araw at ngayon ko lang naisip na eksaktong 18 wks ngayon bago ang pinakahihintay kong Naha marathon. Ibig sabihin noon eh simula na ngayon ng seryosong pag-eensayo ng pagtakbo para maging kundisyon sa pagtakbo ng 26.2 milya sa Dec 4. Bakit ka tatakbo ng marathon? Hmmm, naisip mo rin?
Ngayon lang ako tatakbo ng marathon sa buong buhay ko. Yung tropa kong praning na si Santos dalawang beses nang tumakbo ng marathon dito sa Okinawa, noon naisip ko… tsk praning talaga tong si Santos. Ngayon yung tropa naman ang nag-iisip sa akin ng ganoon, he he! Nagsimula ito noong natapos namin ng isang katrabaho ko yung running goal nya kasi masisipa sya sa Navy kung di sya pumayat, eh mahusay namang makisama kahit ewan sya kaya tinulungan ko na rin. So, yun natapos na nga, tanong ko sa sarili ko, anong kasunod? Binanggit ko sa kanya na ipagpapatuloy ko na ang pagtakbo kasi nakahiligan ko na rin, ika nya bakit di ko atuhang tumakbo ng marathon. Tutal paalis na kami dito ng Disyembre ngayong taon, eh yung Naha marathon eh sa darating na Disyembre so, bakit hindi? Oo nga ano?! Sa hirap at sakit ng loob na natanggap ko sa batalyon na ito, etong marathong ito ang closure sa tour ko dito! Parang finish line nga!
Haay! Excited na ko!!! Tamang tama pagdating namin sa susunod naming station eh napakaraming marathon na masasalihan tulad ng Rock ‘n Roll marathon, LA marathon, muddy buddy, shoot! Baka nga sa susunod eh sprint triathlon na ang kasunod, he he! Abangan ang kasunod na kabanata….