TFC
As if Filipino Channel & me as a pinoy heto ang aking mga lait sa ABS-CBN. Numero uno, si Kris Aquino. Sus ginoo, kung alam lang siguro ni Ninoy ang isa sa magiging bunga ng demokrasya sa Pilipinas ay ang pag-aartista ni Kris ay siguro hinayaan na nya si Marcos at ang Martial Law. Tangna! Ikulong nyo na lang ako!!! Oks naman si Kris kung tutuusin, ibinabahagi nya ang kanyang nararamdaman at naiisip at hindi sya plastik pero ewan ko ba?! Para syang si LA Lopez, nakakairita! Napakataklesa at napakababaw na tao. Halatang ginagamit muna ang bibig bago ang utak. "Korek?", "Korek!"’ "Ok bang dress ko?"’ "Makinis bang balat ko?", "Kuya Boy!!!" Sus ginoo talaga, parang napakahayok sa lalaki! Tatanungin yung kontestant nya, "Married ka? Happy?" So what?! Just shut up!
Wowowee! Ilang beses sa palabas na ito patutugtugin ang "Beep, Beep", "Wowowee" at "Pito-Pito?" Hay nako!!! Hirap na nga ang pinoy pinamumukha mo pang mas mababa pa kami sa lupa na wala nang pag-asa ang pinoy kundi ang channel 2! Tsk! Tsk!
Hiram, he he! Saan ka nakakita ng isang batang pinalaki sa tamang pagmamahal at pagiging totoo ang basta-basta na lang lolokohin ang kanyang pamilya? Saan ka rin makakakita ng isang napakabait na babae na nakisama sa mortal na kaaway ng iyong fiance? At aasahan mo na maintindihan siya ng kanyang tinorotot na kasintahan? Wow! Oo nga pala, bakit palaging pabulong at malungkot si John Estrada? Bagay sila ni Kris kasi pareho sila ng acting style. Ano kayang tawag doon, paawang passive acting? Ewan?
Kamao. Ano kayang kinalalaman ng ibang challenges para sa mga challenger? Paano ka kaya huhusay sa boksing kung pagtratrabahuhin ka bilang lead vox ng banda, beautician, etc? Di ba dapat pina-eensayo ka? Nakakatuwa lang pati doon eh si Vena Muralis, pag merong laban at sya ang commentator eh nakanganga lang, he he!
Stardance. Heto pa! Anong kinalalaman ng pagsasayaw sa ilalaim ng tubig sa kontest na ito? Bakit kailangan nilang magpaganda at mag-acting kung magiging dancer sila? Huh? Di mo rin alam?! Bobo! Kailangan yun para maging mahusay na dancer!!!
Kaya mo ba ito?! Indeh!!! Kaya mo bang makasama sa isang isla si Carlos Agassi sa loob ng tatlong araw? HINDEH!!! PATAYIN NYO NA LANG AKO!!! O di kaya eh ideploy nyo na lang ako sa Iraq!!!
Dehins naman lahat ng show sa dos eh palpak, oks naman yung Goin’ Bulilit, NGINIIG!!! at yung mgas news kahit napapansin mo na biased ang kanilang pagpapalabas ng balita. Eh ano pa nga ba di ba? Money talks!!! Yung mga nag-aabot sa Bantay Bata 163 sana ginagawa nila yun ng tapos sa puso at hindi dahil nasa TV sila. Sana magbigay din sila sa ibang proyekto lalo na yung di sikat at mas nangangailangan.
May 12th, 2005 at 10:15 am
pwede kang peatyur rayter sa isang magasin ah! mabuhay ka pinsan! sayang walang TFC dito para makita ko ang mga deskripsyon mo. at sayang din na wala akong pasosyal na tsanel two na maalipusta. salamat sa apdeyts.
May 22nd, 2005 at 3:05 am
sang-ayon me sa iyo pareng Bong! puros kabalbalan laang ang karamihan sa TFC or channel 2 eh. kahit saan naman siguro sa t.v. sa Pinas eh! wala kasi silang matinong critics na dapat na tumama ng katangahan nila! siguro pati critics nila eh mga walang kwentang artista. i also agree meron pa rin naman matinong palabas sa atin na nakakapagpasaya instead nakakapagpahiya sa Filipino sa ibat-ibang bansa. dagdag ko pa na nakakaasar eh ang mga politician sa atin part ng resume ata ay pag-aartista, kaya tuloy hindi me doubt na hindi pagkatiwalaan ang mga loko kasi baka part lang ng acting nila na halata naman dahil wala kwenta! sa mga babasa nito, kilatisin nyo na lang ang ilan sa mga tinutukoy namin, aliw kami palagi pag conversation topic namin ang mga ito. so now kayo naman maging real critics katuwaan lang walang personalan. heh..heh…
December 26th, 2008 at 11:42 pm
private yacht charter
Nice Site.