I love the 90’s

Habang sumisilip ako sa Kaibiganster eh nakikinig ako sa NU 107 (Hell’s Yeh!) at di ako makapaniwala sa nakinig kong kanta - Philippine Violator’s "Sikat na si Pedro!" Anak ng Tokwa?! Tagal ko ng di nakikinig ang kantang yun ha?! Kung dehins mo alam ang bandang yun eh cguro noong panahong namimili ka ng Giordano at Bench t-shirts eh HipHopper ka (IPAKO SA KRUS!!! He he!). Hep, bago ka umalma eh no offense sa mga HipHoppers, naalala ko lang yung panahon na nagkalat ang mga posers.

So, Sikat na si Pedro. Tanda ko pa nga ang chords nun eh. Alala ko rin nung panahon na muntik ko nang mapanood sila sa isang underground concert sa Tondo. Kakababa mo pa lang ng jeep eh maaamoy mo na yung chongkee at emperador sa hininga ng mga kabataan. Parang welcome to Hell ang dating doon. Sa kabilang parte na malapit sa simbahan eh merong dalawang fire truck habang sa kabila sa may gym eh tumutugtog na ang Abrasive Relations, shet tanda ko pa ang tumutugtog noong gabing iyon bago ito ipatigil! Walang ilaw sa paligid, kita mo ang anino ng mga kabataang naghihintay makapasok sa loob, puro mohawk ang buhok, spike, skins at lahat puro naka-itim. Kami lang ang dehins nakaitim noon para lang mang-asar he he! Pero sayang talaga di ko sila napanood.

Alam ko buhay pa rin at tumutugtog pa rin sila kasi nakita ko ang pangalan nila sa Pulp Summer Slam noong nakaraang taon yata o ngayon ewan? Isa pa rin yun. Kelan kaya ako makakapanood ng Summer Slam?!!! 

4 Responses to “I love the 90’s”

  1. Rocky Says:

    wow..tanda ko yang banda na yan and cgurado ako na yang kantang “SIKAT NA SI PEDRO” eh binubuo ng tatlong nota.Iyan din ang unang kantang rakenrol ang una kong natutunan sa aking bandorya.hahaha..SIKAT NA SI PEDRO..SIKAT NA SI PEDRO..AYAW NG MAG-ENSAYO..Bong,ano bang tug-tugan ngayon sa atin?

  2. Rocky Says:

    oooppsss..mali ata ako..apat na nota ata yun…sensya na..

  3. MagicOPromotion Says:

    Hi, my friends! I want to download software pack XRumer 5.07 PALLADIUM for FREE. Any link???
    I’m so need this magic program! It’s can break captchas automatically! Activate accounts via email automatically too! Absolutely great software! Help me!
    And did you hear news - price for XRumer 5.0 Palladium will grow up to $540 after 15 may 2009… And XRumer 2.9 and 3.0 - too old versions, it’s cant break modern catpchas and cant break modern anti-bot protections. But XRumer 5.0 Palladium CAN!!!!
    So help me for download this great program for free! Thanks!

  4. Lyagushkka Says:

    Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
    Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

Leave a Reply