Archive for May, 2005

I love the 90’s

Sunday, May 22nd, 2005

Habang sumisilip ako sa Kaibiganster eh nakikinig ako sa NU 107 (Hell’s Yeh!) at di ako makapaniwala sa nakinig kong kanta - Philippine Violator’s "Sikat na si Pedro!" Anak ng Tokwa?! Tagal ko ng di nakikinig ang kantang yun ha?! Kung dehins mo alam ang bandang yun eh cguro noong panahong namimili ka ng Giordano at Bench t-shirts eh HipHopper ka (IPAKO SA KRUS!!! He he!). Hep, bago ka umalma eh no offense sa mga HipHoppers, naalala ko lang yung panahon na nagkalat ang mga posers.

So, Sikat na si Pedro. Tanda ko pa nga ang chords nun eh. Alala ko rin nung panahon na muntik ko nang mapanood sila sa isang underground concert sa Tondo. Kakababa mo pa lang ng jeep eh maaamoy mo na yung chongkee at emperador sa hininga ng mga kabataan. Parang welcome to Hell ang dating doon. Sa kabilang parte na malapit sa simbahan eh merong dalawang fire truck habang sa kabila sa may gym eh tumutugtog na ang Abrasive Relations, shet tanda ko pa ang tumutugtog noong gabing iyon bago ito ipatigil! Walang ilaw sa paligid, kita mo ang anino ng mga kabataang naghihintay makapasok sa loob, puro mohawk ang buhok, spike, skins at lahat puro naka-itim. Kami lang ang dehins nakaitim noon para lang mang-asar he he! Pero sayang talaga di ko sila napanood.

Alam ko buhay pa rin at tumutugtog pa rin sila kasi nakita ko ang pangalan nila sa Pulp Summer Slam noong nakaraang taon yata o ngayon ewan? Isa pa rin yun. Kelan kaya ako makakapanood ng Summer Slam?!!! 

TFC

Tuesday, May 3rd, 2005

As if Filipino Channel & me as a pinoy heto ang aking mga lait sa ABS-CBN. Numero uno, si Kris Aquino. Sus ginoo, kung alam lang siguro ni Ninoy ang isa sa magiging bunga ng demokrasya sa Pilipinas ay ang pag-aartista ni Kris ay siguro hinayaan na nya si Marcos at ang Martial Law. Tangna! Ikulong nyo na lang ako!!! Oks naman si Kris kung tutuusin, ibinabahagi nya ang kanyang nararamdaman at naiisip at hindi sya plastik pero ewan ko ba?! Para syang si LA Lopez, nakakairita! Napakataklesa at napakababaw na tao. Halatang ginagamit muna ang bibig bago ang utak. "Korek?", "Korek!"’  "Ok bang dress ko?"’  "Makinis bang balat ko?", "Kuya Boy!!!" Sus ginoo talaga, parang napakahayok sa lalaki! Tatanungin yung kontestant nya, "Married ka? Happy?" So what?! Just shut up!

Wowowee! Ilang beses sa palabas na ito patutugtugin ang "Beep, Beep", "Wowowee" at "Pito-Pito?" Hay nako!!! Hirap na nga ang pinoy pinamumukha mo pang mas mababa pa kami sa lupa na wala nang pag-asa ang pinoy kundi ang channel 2! Tsk! Tsk!

Hiram, he he! Saan ka nakakita ng isang batang pinalaki sa tamang pagmamahal at pagiging totoo ang basta-basta na lang lolokohin ang kanyang pamilya? Saan ka rin makakakita ng isang napakabait na babae na nakisama sa mortal na kaaway ng iyong fiance? At aasahan mo na maintindihan siya ng kanyang tinorotot na kasintahan? Wow! Oo nga pala, bakit palaging pabulong at malungkot si John Estrada? Bagay sila ni Kris kasi pareho sila ng acting style. Ano kayang tawag doon, paawang passive acting? Ewan?

Kamao. Ano kayang kinalalaman ng ibang challenges para sa mga challenger? Paano ka kaya huhusay sa boksing kung pagtratrabahuhin ka bilang lead vox ng banda, beautician, etc? Di ba dapat pina-eensayo ka? Nakakatuwa lang pati doon eh si Vena Muralis, pag merong laban at sya ang commentator eh nakanganga lang, he he!

Stardance. Heto pa! Anong kinalalaman ng pagsasayaw sa ilalaim ng tubig sa kontest na ito? Bakit kailangan nilang magpaganda at mag-acting kung magiging dancer sila? Huh? Di mo rin alam?! Bobo! Kailangan yun para maging mahusay na dancer!!!

Kaya mo ba ito?! Indeh!!! Kaya mo bang makasama sa isang isla si Carlos Agassi sa loob ng tatlong araw? HINDEH!!! PATAYIN NYO NA LANG AKO!!! O di kaya eh ideploy nyo na lang ako sa Iraq!!!

Dehins naman lahat ng show sa dos eh palpak, oks naman yung Goin’ Bulilit, NGINIIG!!! at yung mgas news kahit napapansin mo na biased ang kanilang pagpapalabas ng balita. Eh ano pa nga ba di ba? Money talks!!! Yung mga nag-aabot sa Bantay Bata 163 sana ginagawa nila yun ng tapos sa puso at hindi dahil nasa TV sila. Sana magbigay din sila sa ibang proyekto lalo na yung di sikat at mas nangangailangan.