Sunday duty
Saturday, April 23rd, 200524 Apr 20051015 BMC Schwab, Okinawa, Japan. 2 mons na ngayon ang si Ina. Dito ako ngayon sa Schwab naka-COD duty. Di na masama ang duty dito kumpara sa Hansen na kung saan mas marami ang pasyente. Kaka-check in lang ng una naming pasyente ngayon, heat cramps sa R ant lower leg S/P soccer game. Sumilip nga ako sa likod kani-kanina lang at nakitang merong naglalaro ng soccer sa field. Sabi ko sa sarili ko sasabihan ko ang mga bata na magstand by baka merong maging pasyente. Pagpasok ko hayun meron na ngang pasyente.
Itong medical duty na ito napakalayo kumpara sa trabaho ko dati sa Guam. I can’t complain kasi nasa ER naman ako dati nagtra-trabaho. It could always get worse ika nga na baka nasa disyerto ako at round the clock duty for six months o depende sa misyon.
Hmmm, Sunday. Naaalala ko dati I hated Sundays. Nade-depress ako tuwing Sunday. Pag-Sunday na kasi may pasok na kinabukasan eh noong nasa college ako that means babalik na naman ako sa Manila para sa klase galing probinsya. Kung maaga akong bumibiyahe eh pagdating ko sa dorm sa Manila eh solo ako doon at walang makausap. Yung ibang mga umuuwi sa probinsya eh sa gabi pa o di kaya early Monday pa bumibiyahe. Lakad ka sa kalye wal ring tao kasi nga Linggo. Dati palagi ako nagsisimba ng maykasama pero noong naghiwalay kami hayun mahirap magsimba ng solo. Ang gusto ko lang sa Linggo noon eh mapapanood ko yung sinusubaybayang kong Dragon Ball sa channel 9 pa. Noon pati pinagsi-simba ako eh tampo nga ako dati sa simbahan kaya nakikitambay ako sa bahay ng tropa ng isang oras. Pagkatapos noon pagtumunog na ang kampana, makikisabay na ako paibaba sa mga taong galing simbahan.
Dito sa Japan ang Sunday eh Saturday sa mga local kasi Sunday & Monday ang kanilang weekend. Ang kinaganda noon eh pagmagda-drive ka ng Monday morning papuntang trabaho eh di masyado traffic.
Haay. May pasok na naman bukas. Naaalala ko tuloy noong nasa barko ako, di mo malaman kung anong araw na kasi "everyday is a working day" except Sunday. Sa boot camp Halfday kayong walang ginagawa, actually nagmamalantsa, nagsusulat o di kaya nagbibiton ng boots pag-Sunday.
Ang gustong-gusto ko dati sa Linggo eh yung SaLinggonAPOsila at ASAP kasi dati pinapalabas nila yung mga banda dati. Sa isang probinsyanong katulad ko na di nakakapunta sa Dredd, 70’s Bistro, Red Rocks o Mayric’s eh napakalaking bagay na yun. Tandang tanda ko pa noong una kong nakitang tumugtog ang Rozarback sa ASAP, ang tinugtog nila eh yung "Payaso" sabi ni Martin Nievera eh ang ganda daw ng meaning ng kanta. Sa tingin ko eh BS lang nya yun, epal kasi. Tapos tuwang tuwa ako noong tumugtog din ang POT, naghubad pa nga noon si Karl Roy pero pinagsuot siya ng damit pagkatapos ng kanta, he he! Nagulat siguro, bakit? Kesyo di sikat sa mainstream eh di kayo kayang gulatin?! Ngayon eh wala ng kwenta ang mga ASAP. Puro pa-tweetums at pa-inggit kasi di mo afford ang mga bagong uso. Nakakatuwa kung minsan kasi tumutugtog pa rin yung ibang mga paborito kong banda. Patawa nga nung tumugtog yung Bamboo. Mukhang ewan yung mga artistang nakikisabay. Oo nga pala? Bakit pa kaya sila pinapakanta doon kung babasahin lang naman nila yung monitor? Ewan?! Sa atin nga naman.